Habang inaayos ang kanilang lupa, ang mga prayle ay gusto ring kunin ang lupa ni Kabesang Tales dahil nakikita na ito ay yumayaman. Ang ginawa ng mga prayle ay binubuwisan si Kabesang Tales at tinataas ang buwis hanggang hindi na maka bayad si Kabesang Tales. Lahat ng kanyang pera ay pumunta sa mga abogado dahil inaasa niya na manalo siya sa kaso na isinumpa ng mga prayle sa kanya at para siguradong ligtas ang kanyang lupa.
Gumawa ng bakod si Kabesang Tales at binabantay niya ang kanyang lupa, at nung binawal ang pag armado ng baril, ang ginawa ni Kabesang Tales ay inarmado niya ang sarili gamit ng bolo pero ibinawal rin ito. Nang inarmado niya ang sarili gamit ng palakol dun siyang biglang ikinidnap ng mga bandito at tumanong pang ransom.
Ang ginawa ni Huli, ang babaeng anak ni Kabesang Tales, ay ibenenta niya lahat ang kanyang alahas liban sa alahas na ibinigay ni Basilio. Sapagkat, hindi pa rin umabot ang pera para sa ransom kaya ang ginawa ni Huli ay nag hiram siya ng pera galing kay Hermanang Penchang at pumayag si Huli na maging katulong ni Hermanang Penchang.
No comments:
Post a Comment