Wednesday, December 16, 2015

Pagsusuri ng Karakter gawa ni Edrian Dagohoy

Si Simoun

 - Isang mayaman na mag-aalahas
 - Galit sa mga kastila lalo na sa mga prayle, dahil sa mga ginawa nila sa buhay niya
 - Merong plano para sa kabutihan ng Pilipinas ngunit ito ay kahina-hinala
 - Si Crisostomo Ibarra, ipinalit ang mukha, hindi literal, para maisagawa ang kanyang plano
 - Dahil siya parin ay si Crisostomo Ibarra, mahal parin niya si Maria Clara
 - Ang plano niya ay para sa Pilipinas at para kay Maria Clara
 
Si Crisostomo Ibarra

 - Ang kasintahan ay si Maria Clara
 - Isang taong makabayan na mahal na mahal ang bayan niya
 - Sinira ang buhay niya ng mga kastila, lalo na ang mga prayle
 - Bumalik galing sa Europa dahil sa San Diego at dahil kay Maria Clara
 - Akala ng mga tao na pinatay si ilog pero ang namatay ay ang kaibigan niya na si Eliaa
 - Pumunta ulit sa Europa at ipinalit ang mukha niya, hindi literal, at bumalik sa San Diego bilang si Simoun

Monday, December 14, 2015

Basketball Pantasiya gawa ni Sean Rivera

Isang araw si Simoun at si Basilio ay naglalaro ng basketball. Tapos nag puntahan Ang mga kastilla 
at sila ay na challenge, nag pusta sila para sa kalayaan ng Pilipinas. Mahirap ang laban pero masipag ang team pilipinas ay nag bunga ng pag sisikap, sa katapusan nanalo sina Basilio at si Simoun noong gabi nag party sila kasama ang mga tao ng pilipinas sabi nina Basilio at Simoun na: 

"Malaya na tayo!!!! Mabuhay ang pilipinas!!!" 

Sabay nag hiyawan Ang mga Tao ng pilipinas Tapos dumating na rin ang  araw kung saan itinaas ang bandila ng pilipinas at nag tayo ng mga eskwelahan para matutunan ng tama ang mga bata para sa kinabukasan ng pilipnas.

Dugo at Pawis gawa ni John Carlo Supe



Si Kabesang Tales ay isang simpleng tao na gusto magkasariling sakahan pero ang mga tao na nagtulong sa kanya para mapangarap niya ang kanyang pangarap ay namatay. Ang mga namatay ay ang kanyang asawa at ang kanyang pinakamatandang babaeng anak. 

Habang inaayos ang kanilang lupa, ang mga prayle ay gusto ring kunin ang lupa ni Kabesang Tales dahil nakikita na ito ay yumayaman. Ang ginawa ng mga prayle ay binubuwisan si Kabesang Tales at tinataas ang buwis hanggang hindi na maka bayad si Kabesang Tales. Lahat ng kanyang pera ay pumunta sa mga abogado dahil inaasa niya na manalo siya sa kaso na isinumpa ng mga prayle sa kanya at para siguradong ligtas ang kanyang lupa. 

Gumawa ng bakod si Kabesang Tales at binabantay niya ang kanyang lupa, at nung binawal ang pag armado ng baril, ang ginawa ni Kabesang Tales ay inarmado niya ang sarili gamit ng bolo pero ibinawal rin ito. Nang inarmado niya ang sarili gamit ng palakol dun siyang biglang ikinidnap ng mga bandito at tumanong pang ransom. 

Ang ginawa ni Huli, ang babaeng anak ni Kabesang Tales, ay ibenenta niya lahat ang kanyang alahas liban sa alahas na ibinigay ni Basilio. Sapagkat, hindi pa rin umabot ang pera para sa ransom kaya ang ginawa ni Huli ay nag hiram siya ng pera galing kay Hermanang Penchang at pumayag si Huli na maging katulong ni Hermanang Penchang.

Sunday, December 13, 2015

"Lider ng mga Tulisan, Pinatay ng Sariling Anak!" gawa ni Edrian Dagohoy



Mutanglawin, kilala bilang Cabesang Tales, ay namatay kaninang hapon. Ang pumatay ay ang sarili niyang anak na si Tano. Si Tano, kilala sa mga guardya sibil na si Carolino, ay lumabas sa kagubatan dala ang mga prenda para tuksuhin si Matanglawin at ang mga rebelde.

Habang lumalakad si Carolino at ang kakampi niyang si Mautang ay nagtalo ang dalawa hanggang may pumutok na baril galing sa dalawa, ng lumabas ang mga tulisan akalang simula na ang guerra ng mga guardya sibil at ng mga tulisan.

Habang nag-babarilan ang mga Tulisan at ang mga Guardya Sibil, narinig ng isang tulisan ang utos ni Mautang kay Carolino na bumaril. Nakitang bumaril nga si Carolino at pinuntahan ang binaril, at nakitang nakatutok ang daliri ng binaril na matanda sa isa pang taong binaril ni Carolino (Tano). Ang pangalawang taong binaril ni Tano ay ang ama niyang si Matanglawin (Cabesang Tales).